Blind Item: Macho Actor pahinga muna sa pagpapahada sa bading

May isang macho actor na kasali ngayon sa isang programa kung saan nagsusukatan ng lakas ang mga kalahok na artista. Kuwento ng aming impormante, mula noong sumali sa labanang yun ang macho actor ay hindi na muna siya aktibo sa pagpapa-book, ibig sabihi’y tumigil muna ang aktor sa pakikipagkita sa kanyang mga kliyenteng bading.

Kuwento ng aming source, “Maraming pinalampas na booking si —— (pangalan ng macho actor) lately. In-demand pa naman siya ngayon, dahil maraming datung ang mga badush, pero talagang ayaw niyang tumanggap ng booking!

“Kailangan daw niyang ireserba ang lakas niya sa laban, mahirap na raw kasi dahil baka yun pa ang maging reason ng pagbagsak niya. Baka raw mawalan siya ng energy, mahirap na raw, kaya pass muna siya,” sabi nito.

Kilala sa mundo ng booking ang macho actor na ito, nung magkahiwalay sila ng kanyang gay benefactor ay talagang nagpalawak na ng mundo ang macho actor, ayaw na niyang bumalik sa dati nilang mahirap na buhay.

“Nung hindi pa siya sumasali sa mano-manong labanan na yun, anytime mo siyang tawagan, go agad siya! Nanghihinayang siya sa walk (read: booking), mahirap daw ang buhay ngayon, meron pa naman siyang tinutustusang pamilya.

“Kapag wala ngang booking, e, siya pa mismo ang tumatawag sa mga dyugaling (read: bugaw), kailangan daw kasi niya ng pera, marami raw siyang babayaran.

“Maliit lang ang makukuha niyang premyo kapag nag-champion siya sa sinalihan niyang competition, pero mahilig talaga siya sa sports, kaya niyang magsakripisyo para dun.

“Kapag madali siyang napagod sa laban, ibig sabihin nun, hindi rin siya nakaiwas sa mga booking. Pero kapag nanalo siya at malakas na malakas ang katawan niya, ibig sabihin, talagang pinanindigan niya ang pag-pass sa mga booking!” ibinigay pang palatan­daan ng aming source.

Meron itong ibinigay na clue, dating modelo ang macho actor na ito, ala ba kayong mga kamay para palakpakan natin siya?

Abangan na lang natin kung siya ang titihaya o siya ang magpapatihaya sa kanyang kalaban.

CRISTY FERMIN
Pilipino Star Ngayon

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: