Big Brother naimbyerna kay Gwen Garci

Dapat ay pumasok last Friday night ang Viva Hotbabes na si Gwen Garci sa loob ng Bahay ni Kuya bilang celebrity house guest sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 pero last minute ay nakansela ito.

Ayon sa nakarating sa aming balita, nagalit daw si Big Brother nang kumalat na agad sa showbiz na papasok si Gwen gayung dapat daw ay surprise ito.

Si Gwen umano ang pinaghihinalaang siyang nag-leak ng balita kaya naman na-turn-off daw si Big Brother sa kanya.

Nang makausap namin si Gwen sa launching party ng bago nilang video under Viva, ang Hotbabes Gone Wild with Mo Twister, agad naman niyang inamin na hindi na nga siya tutuloy na pumasok sa Bahay ni Kuya pero hindi raw totoo na siya ang nagkalat ng balita.

“Ang reason nga sa akin, kasi raw, kumalat na. Eh hindi naman ako ang nagkalat. Nagulat na nga lang ako nang ang daming nagte-text sa akin at tinatanong kung papasok daw ako,” kuwento ng sexy star.

Ang PBBCE 2 daw mismo ang lumapit at kumausap sa Viva Artists Agency na siyang nagma-manage ng kanyang career. Sinabi naman kaagad sa kanya at pumayag naman daw siya.

Ngayong hindi na siya tuloy, okay lang naman daw dahil inirerespeto naman daw niya ang desisyon ng management.

Kung natuloy siya sa pagpasok, magkikita sana silang muli ng ex-boyfriend niyang si Will Devaughn at tiyak na riot ang mangyayari.

“Magkaibigan naman kami nung tao at bahagi na lang ng past ang nangyari sa amin,” say ni Gwen.

Naging boyfriend niya raw si Will bago pa man niya nakarelasyon si Andrew Wolf. Sandali lang daw ang itinagal ng relasyon nila dahil magulo.

“Ito kasing si Andrew, laging inaaway si Will,” say pa niya.

Hindi raw siya nagseselos o nasasaktan kung nililigawan man ngayon ni Will ang housemate na si Riza Santos.

“Wala na kami, so, wala akong right na magselos. At saka, past na nga ‘yun, wala na.”

Wala raw siyang boyfriend ngayon pero mayroon siyang idine-date na isang foreigner matapos silang mag-break ng Brazillian boyfriend.

Samantala, balik sa pagpapa-sexy ang grupo sa bagong sexy video nila. Ito na raw yata ang most daring na nagawa nila at pinakakaiba sa lahat dahil para silang naglalaro sa isang reality show.

“May task at challenges si DJ Mo na ibibigay para sa amin at maglalaro kami ng game na Truth and Bare. Basta, panoorin n’yo na lang dahil nakakatuwa at masa-shock kayong lahat,” sabi ni Gwen.

VINIA VIVAR
Pilipino Star Ngayon

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: