Katrina Halili downplays rumored rift with “Marimar” co-star Marian Rivera

Hindi apektado si Katrina Halili kung kumakalat man ang balitang hindi sila close ng co-star niyang si Marian Rivera habang ginagawa nila ang teleserye na Marimar sa GMA-7.

Aminado si Katrina na hindi sila naging close ni Marian, pero maayos naman daw ang pakikipagtrabaho niya rito. Kapag may eksena sila ay ginagawa raw nilang dalawa ang lahat para maging maayos ang take nila.

“Hindi man kami close ni Marian, wala kaming problema kapag may eksena kami,” diin ni Katrina. “Kapag may scene lang naman kami nagkakausap. Kailangan kasi ng magandang interaction para mabilis matapos ang eksena. After naman nun, okay lang kasi may kanya-kanya kaming lugar tuwing taping kaya wala kaming panahon talaga to bond with each other.”

Katrina Halili downplays rumored rift with

Nabanggit din ni Katrina na hindi naman daw sila madalas magkasama ni Marian sa location shoot. Mas madalas daw kasi na hindi sila magkasama sa eksena.

“Ngayon nga lang ulit kami nagkasama ng matagal sa shoot. Matagal din kami kasing hindi nagkaroon ng mga malalaking scenes. Sa akin naman, walang problema kung hindi kami close. Ang importante ay maayos ang mga trabaho namin,” saad ng young sexy actress.

Parehong may entry sa 2007 Metro Manila Film Festiva. Si Katrina ay nasa Shake, Rattle & Roll 9 samantalang si Marian naman ay kasama sa Desperadas at Bahay Kubo.

RUEL MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

1 Comment »

  1. 1
    janica Says:

    hi katrina sana ksma k din d2 s vegas wish e noh!!lyk din ktah mkta!!hehe ingatz po lgeh


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: