Gloria Diaz says she’s not preventing daughter Isabelle from showbiz

Hindi nagbabago ang wit and humor ng kauna-unahang Miss Universe ng Pilipinas na si Gloria Diaz. Magkaganoon man, mas nahihirapan daw siya sa comedy kesa drama. Sa sequel ng successful Kasal, Kasali, Kasalo, ang entry ng Star Cinema Productions sa 2007 Metro Manila Film Festival entry na Sakal, Sakali, Saklolo, muli ay naranasan ni Gloria ang hirap upang maging epektibong komedyana.

“In this film, we just have to enjoy ourselves, but it’s not that easy,” sabi ng aktres sa presscon ng Sakal, Sakali, Saklolo (SSS) kahapon, November 29. “Yun ang laging sinasabi ni Joey [Reyes, their director] sa amin, na huwag naming isipin ang kung anu-ano kaya siguro kahit paano, magandang lumalabas ang mga sitwasyon.

Gloria Diaz says she's not preventing daughter Isabelle from showbiz

“Ang sa amin naman, kahit ganoon, we don’t think any scene that’s supposed to be funny would turn out that way. Yun ang worry namin, kaya we should still be up on our toes, kahit ini-enjoy lang naming lahat.”

Hindi raw niya kaya ang ginagawa ng gumaganap na balae niya sa Sakal, Sakali, Saklolo na si Gina Pareño sa pagku-comedy. Kahit nga ipagkumpara sila, bow si Gloria sa husay ni Gina.

“Napapanganga na lang ako kapag kaeksena ko siya,” sambit ni Gloria. “How can I outdo her? Mahihirapan ako. Si Gina, at her age, she can still jump high. Tatalon ‘yan sa bintana, if the role calls for it.

“Sa susunod nga, naiisip ko, given the chance, magpapaka-wacky talaga ako. Kasi wala pa namang role na ibinibigay sa akin na ganoon. Siyempre, nakikita pa rin nila sa akin yung pagiging Miss Universe ko, kaya siguro.

“Pero may mga hinahangaan ako among comediennes, si Nova Villa. She’s very good on just being poker-faced, na parang inosente, and she turns out to be funny. Bihira na kasi ‘yung ganoong style.”

GLORIA’S DAUGHTER. May kumakalat na impression na ang anak ni Gloria na si Isabelle Daza ay pinipigilan o dini-discourage niya na mag-artista. Marami nang kumukuha rito to plunge into a showbiz career, pero palagi na rin lang tumatanggi.

“That’s not true,” pahayag ng aktres. “Okay lang sa akin ang pag-aartista niya kung gugustuhin niya, but I’m only after her welfare. For me, it will be much better for her to finish her studies. Yun lang ang gusto kong mangyari, and she can do whatever she wants.

“Lumaki ako sa pamilyang very open-minded. Iniisip lang nila ‘yan na masyadong conservative ang pinagmulan kong family. At a certain point, if one is of legal age already, he or she can do anything. Basta huwag lang bababuyin ang reputasyon ng pamilya.

“Kaya ganoon din ako sa mga anak ko. Tapusin nila ang pag-aaral nila, by all means, they can be in showbiz. Nariyan lang ‘yan. They have easy access, and I can’t stop my children to enter showbiz, kasi nakita naman nila na ‘yan din ang mundo ko,” paliwanag ni Gloria.

Habang ini-interview namin si Gloria ay nasa Thailand daw ang 19-year-old daughter niya na si Isabelle, shooting a new commercial for Olay.

“And here I am talking to you, while she’s with her yaya!” at natawa si Gloria. “Grabe! Mas strict pa ang yaya niya kaysa akin. Like one time, I did a concoction of sangria [wine punch] sa party sa bahay, and her yaya made sumbong to me. Naglalasing daw si Isabelle dahil inom nang inom nung tinimpla ko.

“Sabi ko, ‘Hayaan na lang, ’cause she’s having fun naman.’ Hindi dahil sa kinukunsinti ko siya. Her yaya is just being protective, but in that case, alam kong mapapagkatiwalaan ang anak ko. Alam kong namimili ‘yon ng mga kaibigang sasamahan niya, kampante ako.”

Isabelle is still child-like, ayon kay Gloria. Pero may time na parang pinipigilan daw niyang maging close si Isabelle sa young actor na si Richard Gutierrez. Totoo ba ‘yon?

“Oh, absolutely not!” napatili na naman ang dating Miss Universe. “For what reason? Mabait naman si Richard. I like the kid. Maganda ang pagpapalaki nina Eddie [Gutierrez] at Annabelle [Rama] sa mga anak nila.

“In fact, close si Isabelle kina Richard at Raymond. They talk, they see each other, okay lang sa akin. Sabi ko nga sa ‘yo, mahusay pumili ng mga kaibigan ang anak ko.”

Ikinaaliw ng marami sa presscon ng Sakal, Sakali, Saklolo, ang mga pahayag niya about Isabelle, na ipinamalita niya kasing virgin pa ang anak niya.

“Oh, that’s an achievement!” bulalas niya. “Dapat mong ipagmalaki ‘yon, sabi ko sa anak ko. Pero naiintindihan ko siya, kasi nahihiya yung bata na sa tuwing may tatawag sa kanya sa telepono, ang tawag sa kanya ‘Isabelle, the virgin one.’

“Ingat na ingat nga ako sa pagsasalita about her sa press. Baka raw kung anu-ano ulit ang ikuwento ko, like that virginity issue. But, you know me, I’m so spontaneous in telling the truth!” tawa nang tawa na sabi ni Gloria.

ARCHIE DE CALMA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: