Director Joey Reyes: No more sequel after “Sakal, Sakali, Saklolo”

Itinanggi ng direktor na si Joey Reyes sa presscon ng pelikula niyang Sakal, Sakali, Saklolo—ang official entry ng Star Cinema para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this year—na meron siyang pinatamaan among the other entries sa filmfest lalo na yung may mga special effects.

Sa isang bahagi kasi ng presscon na naganap kahapon, November 29, sa 14th floor ng ELJ Blddg. sa ABS-CBN compound ay sinabi niyang ang Sakal, Sakali, Saklolo (SSS) ay walang special effects at hindi nagpapaka- Hollywood. Isa lamang daw itong pelikula na Pinoy na Pinoy ang tema at para talaga sa mga Filipino.

No more sequel after

“Wala akong gustong patamaan,” diin niya. “Ang gusto ko lamang ay panoorin ng tao ang lahat ng pelikulang kasali sa filmfest. Ang sinasabi lang namin ay ito ay pelikulang naiiba dahil ito ay kuwento ng buhay, pelikula tungkol sa tunay na buhay.

“Mabibigyan lang ng ibang kahulugan ang isang simpleng statement kung bibigyan ng ibang kahulugan. Nagbigay lang ako ng statement na ito [SSS] ay tungkol sa mga tunay na tao, katulad din ng Katas ng Saudi [his other film for MMFF].”

Paliwanag pa niya, “Unang-una, e, hindi naman ako gumagawa ng pelikula na mas alam ko na kayang gawin ng ibang direktor kesa sa akin. Ganyan yung mga uri ng pelikula na ang nagde-depend sa iba’t ibang effects. Hindi ko kaya ‘yon. Basta ako ay isang simpleng direktor na mas gustong gumawa ng mga simpleng kuwento.”

Diretsahan ding inugnay ang pamangakin ni Direk Joey na si Mark Reyes, na direktor naman ng adventure-fantasy movie na Resiklo starring Bong Revilla. Isa ba siya sa mga pinatatamaan ng award-winning director?

“Bakit ko naman patatamaan ang pamangkin ko, di ba?” sabi ni Direk Joey. “‘Tsaka isa, pa laging sinasabi ng mga tao, ‘O, kalaban mo ang pamangkin mo.’ Walo kaming magkakalabang direktor. Lahat kami gumagawa lang ng pelikula na gusto naming panoorin dahil yung competition element naman is not important. What’s more important ay ma-convince mo ang Filipino viewers na maganda ang pelikula mo.”

NO MORE SEQUEL.
Tinuldukan din ni Direk Joey ang kanyang ipinahayag sa presscon na ang Sakal, Sakali, Saklolo na ang pinakahuling kuwento sa pelikula ng buhay ng mag-asawang Angie at Jed, being portrayed by real-life sweethearts Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo.

“Last na talaga ang Sakal, Sakali, Saklolo,” sambit ni Direk Joey. “Ayoko na. Bakit ayoko na? Kasi tama na yung dalawa para sa akin. Knowing when to leave is the best that you can do, di ba? You learn to quit when you’re on top. ‘Tsaka ano’ng title noon? ‘Lakas, Lalaki, Laklolo’? Ano ba ‘yon? Wala na, e, wala na, di ba?

“Mahirap magsalita ng tapos. Pero sa bagay na ito, I’m very sure. Para sa akin, gusto kong maalala at mabaon sa aking isip na mabaon ang kuwento nina Jed at Angie sa pelikulang Sakal, Sakali, Saklolo. Hindi lang sila sa pelikulang ito na mahal na mahal ko ang character at alam ko na everything after this will be appreciated.”

Nag-number one sa box-office ang Kasal, Kasali, Kasalo last year sa MMFF. Inaasahan na magiging top-grosser din ang Sakal, Sakali, Saklolo this year. Ano ang masasabi ni Direk Joey dito?

“Hindi ko masagot ‘yon kasi bahala na si Lord doon, e. Hindi natin malaman, e. Sabi nga nila, you can never can tell,” biro ni Direk Joey.

Namomroblema naman sa kasalukuyan ang produksiyon ng isa pang pelikula ni Direk Joey sa MMFF, ang Katas ng Saudi na pinagbibidahan nina Senator Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino.

“Alam mo, ayoko munang pag-usapan ‘yan dahil yung mga taong involved ay ginagawa ang lahat. Sabi nila, para maisaayos ang problemang ito. Pero kung hindi nila maaayos ito isa lang ang maipapangako ko, dadanak ang dugo!” matigas na sabi ni Direk Joey.

Usap-usapan kasi na nasira ang negatibo ng Katas ng Saudi habang pinu-proseso sa Roadrunner.

“Ayoko munang anuhin kasi it’s still on the professional level. Pero aayusin nila and I am confident na that they will try their best to fix the problem. But you know, I am very optimistic that they know what they are doing. So, ayoko munang magsalita ng tapos. Pero alam din nila ang consequences kapag hindi maisagawa ang dapat nilang maayos,” mariing sabi ni Direk Joey.

Puwede ba niyang sabihin kung ano ang magiging consequence kapag hindi naayos ng kinauukulan ang problema?

“Ayoko munang pag-usapan ‘yon kasi baka ma-preempt ‘yon, e. Because they promise naman that they will deliver. Ako kasi, I keep my word and ganito—ang kontrata ay kontrata ay kontrata,” pagtatapos ni Direk Joey.

Julie Bonifacio
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: