Carlene Aguilar on her relationship with Dennis Trillo now: “We’re not okay.”

Ilang araw din ang itinagal ng pangungumbinse ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Carlene Aguilar na makipagkita at magbigay ng kanyang panig tungkol sa naging isyu niya with Cristine Reyes.

Nang humarap sa amin ang dating beauty queen, mapapansing mas maaliwalas na ang kanyang aura. Malaki na rin ang ipinayat niya. Handa na raw siyang mag-move on sa mga isyung gumulo sa buhay niya nitong mga huling buwan.

A RELEASE OF ANGER. Tulad ni Dennis Trillo, hangga’t maaari daw ay ayaw nang magsalita ni Carlene tungkol sa mga isyung naglalabasan.

Akala niya raw ay matutuldukan na ito nang magsalita si Dennis nung isang linggo sa Kapuso Network shows. Pero tila lalong ikinagalit ni Carlene ang mga tinuran ni Dennis sa kanyang interviews.

“Actually, yung sinabi niya yung fault niya, hindi niya binigyan ng closure ‘di ba? Yun ang sinabi niyang fault niya. Pero besides yun, meron pa, kaya nagalit ako. Alam niya yung reason, so sana huwag lang yun ang sinasabi niya. Kung magku-kuwento siya ng lahat-lahat…kulang,” ang pahayag ni Carlene.

Kung dati’y maayos daw ang kanilang usapan, ngayon tila napalitan ito ng tampo. Ini-expect daw kasi ni Carlene na ipapahayag ni Dennis ang totoo. But since hindi iyon ang nangyari, binitiwan sa amin ni Carlene ang mga katagang, “honestly, were not okay.”

Itinanggi naman ni Carlene ang isyung itatago daw niya ang kanyang anak na si Calix Andreas sa kanyang ama. Kamakailan, lumabas sa ilang pahayagan na hindi na raw tatanggapin ni Carlene si Dennis sa kanilang tahanan. Pero kung siya ang tatanungin, iiwas muna daw siya sa dati niyang boyfriend.

“Actually, welcome naman siya, pero kasi ngayon, malabo pa. Kailangan muna namin ng space. Yun naman ang gusto niya dati, yun ang makukuha niya,” ang sabi pa ng 2005 Binibining Pilipinas-World.

Kung dati’y ipinaglalaban ni Carlene ang mabuo ang isang pamilya para sa kanyang anak, ngayon ay tila nagising na raw siya sa katotohanan.

“Magkaibigan, yes, definitely para sa son namin. Pero sa relationship, yung kaming dalawa magkakarelasyon ulit? No na,” mariing pahayag ni Carlene.

FOR THE LOVE OF DENNIS. Mahirap daw itanggi na wala na siyang pagmamahal para kay Dennis. Limang taon din naman kasi ang itinagal ng kanilang relasyon kaya’t mahirap na basta na lang kalimutan ang kanilang pinagsamahan.

“During those times, sa five years na yun, ay sobra ko siyang mahal. May ilang away kami, tampuhan, pero ok naman. Hindi ko rin naman sasabihin na hindi niya ako minahal, kasi siyempre, give and take naman ‘yan,” kuwento ng ina ng baby ni Dennis.
Mahirap din daw ikumpara ang Dennis na nakilala niya dati sa lalaking naiipit ngayon sa mga intriga. Sa dami daw kasi ng kumplikasyon na bumalot sa isyu, mahihirapan na silang buuin pa ang nasira.

Hindi na rin daw gustong makialam ni Carlene sa kung ano pa ang magiging desisyon ni Dennis ngayon pagdating sa affairs of the heart.

“Kung magkabalikan man sila ni Cristine, fine. At least wala na kami ni Dennis. I mean, Cristine and I are ok now. Masaya nga ako natapos na ang isyu. Kung ano man ang desisyon ni Dennis, kanya na yun,” sabi ng dating girlfriend ni Dennis.

Mapait man daw na balikan, hindi raw maubos-maisip ni Carlene na ayaw pang aminin ng matinee idol na nag-overlap ang relasyon nito sa kanya at kay Cristine.

Aniya, “Ok pa kasi kami nung time na yun. Napag-usapan pa namin ni Cristine, and I have his letter to prove it. Sabi niya [Dennis], huwag ko raw pansinin and everything will be ok. Ang hirap lang kasi ngayon, parang ako yung lumabas na bitter, naghahabol at nanunugod.”

THE BITTER TIMES. Bakas pa sa mga mata ni Carlene ang pait lalo na nang pag-usapan ang mga pinagdaanan niya nung nasa Los Angeles pa siya at naghihintay na manganak.

Maraming gabi daw na talagang nababad ang mga mata niya sa luha. Maraming beses daw na sinabi niya sa kanyang sarili na tanggapin na lang ang mga pangyayari.

“Ang hirap nun, dasal lang ako nang dasal para lumakas ang loob ko. Biro mo, buntis ka ‘tapos kami lang ng mommy ko sa LA. Ang hirap na nakikita ko mommy ko, nasasaktan siya sobra. May hypertension pa naman siya. Kaya on top of the pain na nararamdaman ko, pinapakalma ko rin yung mom ko,” pagbabalik-tanaw ni Carlene.

Itinanggi rin ni Carlene na nagkaroon siya ng post-partum depression. Karaniwang nararamdaman ito ng mga babaeng kapapanganak pa lang. Hindi raw ito ang dahilan ng kumprontasyon nila ni Cristine. Hindi rin daw ito ang rason kung bakit siya nagsasalita sa mga interviews. Kung tutuusin pa nga raw, napakatatag ng tingin niya sa sarili niya kung iisipin ang mga pinagdaanan niya.

Hindi raw maide-deny na isang malaking trauma ang idinulot mga napagdaanan niya.

Tulad ni Dennis, gusto rin daw ni Carlene na manatiling single muna at i-enjoy ang kanyang pagiging ina.

“Hindi na ako umiiyak ngayon. Ayoko kasi maramdaman ng baby ko ang kahit anong pain na nararamdaman at napagdaanan ko. Hangga’t maaari, pagdating ko sa bahay, kailangan masaya na ako lalo pagharap ko kay Calix,” ang nakangiting sinabi ni Carlene.

MOVING ON. Hindi man malilimutan ni Carlene ang mga nangyari, mas gugustuhin na lang daw niyang tignan ang mga positibong nangyayari sa kanyang buhay.

Nag-mind set na raw si Carlene na magsisimula na siyang magtrabaho sa January 2008. Marami raw kasi siyang offers sa ibang bansa. Handa rin daw niyang itaguyod ang kanyang anak kahit bilang isang single parent. Pero hindi naman niya itinatangging may sustentong nakukuha ang anak niya kay Dennis.

Sa kabilang banda, mariin namang pinabulaanan ni Carlene ginagamit niya ang kanyang mga isyubg kinsangkutan niya bilang paghahanda sa pagpasok niya sa showbiz.

Ayon kay Carlene, “Hindi ko po gustong mag-artista. If ever nai-interview man ako, hindi ako yung nagpapa-interview na ako yung lumalapit. They ask for my side and gusto ko ibigay yung side ko kasi gusto ko kasi alam na tao yung totoo. Yun lang naman ang importante. Kasi sa mga issues na lumalabas, ako yung naghahabol, ako yung nagsisinungaling, ako yung nagmumukhang masama, hindi naman maganda yun.”

Mabuti na lang na sa kabila ng mga isyu ay nasa tabi niya si Calix. Sobrang excited si Carlene sa first christmas nila. Unang pasko niya rin bilang mommy.

“Ang dami kong biniling damit na may Christmas design para kay Calix nung nasa L.A. pa kami. Kaya lang, hindi ko naman alam na bigla siyang lalaki. Sobra nagugulat ako sa paglaki niya. Paano pa kaya sa pasko, eh, ‘di lalong hindi kasya yung mga damit,” natatawang kuwento ni Carlene.

DENNIS’S SIDE. Nakausap namin ang manager ni Dennis kagabi, ika-30 ng Nobyembre, na si Popoy Caritativo at sinabi nitong wala na raw sasabihin pa si Dennis dahil nasabi na nito ang lahat ng kanyang kailangan sabihin.

CHRISTINE’S SIDE. Nakausap rin namin si Crisitine Reyes nung November 29 sa launching ng kanyang disco-bar na Serve. Sinabi nitong hindi na raw sila nagkaka-usap ni Dennis at masaya siya na nagka-ayos na sila ni Carlene. Gusto muna din niyang manatiling single sa ngayon.

NELSON CANLAS
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: