‘Kapamilya’ shocked! Kasal ni Vandolph ibinenta ni Alma sa GMA

Gaganapin ang kasal nina Vandolph Quizon at Jenny Salimao ngayong darating na Lunes, December 3, alas tres nang hapon sa Notre Dame Chapel sa Las Piñas City.

Dalawampu’t anim na pares ang kanilang mga ninong at ninang, pinaghalo nila ang mundo ng showbiz at pulitika sa kanilang kasal, meron din silang mga kinuhang ehekutibo ng Dos at Siyete.

Kahapon ay nakatanggap ng sulat ang ABS-CBN mula sa GMA 7, marespeto naman ang hiling ng Kapuso network, na sa kasal nina Vandolph at Jenny ay hindi maaring magpunta sa kasal ang anumang crew ng ABS-CBN dahil nakuha ng network ang exclusive coverage nito.

Nagulat ngayon ang mga taga-Dos, paano nangyari yun, samantalang may show si Vandolph sa kanila at ang karamihan sa mga ninong at ninang nila ay mula sa ABS-CBN?

Nakarating sa amin ang impormasyon na ibinenta nina Vandolph at Jenny ang exclusive coverage ng kanilang kasal sa Siyete, nagpadala naman ng sulat ang Siyete sa Dos, para maiwasan na ang pagpapahiyaan at kaguluhan sa mismong kasal.

Namomroblema ngayon si Tito Pascual, ang assistant ni Tito Dolphy, dahil kapag nakara­ting sa ace comedian ang pagsulat ng Siyete sa Dos ay magagalit ang ama ni Vandoph.

Ang mga ninong at ninang nila na mula sa Dos ay nagulat din, ang tanong ngayon ay pupunta pa kaya ito, lalo na’t kasingkahulugan na rin ng pagdadamot nina Vandolph at Jenny ang napagdesisyon nilang ipa-exclusive sa Siyete ang kanilang kasal?

Isang source ang nakausap namin, ang sabi nito, “Nakausap ko na si (Wilma Galvante, boss ng Siyete) nagulat kasi ako, dahil taga-Dos si Vandolph, pero bakit nagkaganun?

“Ang sabi ni Wilma, ginawa lang daw nila ang pagsulat para maiwasan na ang gulo sa mismong wedding day, kina Vandolph at Jenny daw nanggaling yun at hindi sa kanila,” sabi ng aming source.

Ang mga ninong at ninang nina Vandolph at Jenny mula sa Dos ay sina Deo Endrinal, Sharon Cuneta, Charlene Gonzales-Muhlach, Linggit Tan, Ms. Susan Roces, Kris Aquino, Maricel Soriano at ang ko­lumnistang ito.

Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw, naturingang taga-Dos si Vandolph at sa Dos din nagkapangalan si Jenny, pero sa Siyete nila ibinigay ang exclusive coverage ng kanilang kasal.

“Si Alma Moreno raw ang nakipagtransaksiyon sa Siyete tungkol sa kasal, binayaran sina Vandolph at Jenny, kaya siya ang dapat sumagot sa tanong ng marami ngayon,” pahabol ng aming impormante.

CRISTY FERMIN
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: