Di tapos ng kolehiyo ang unang ‘VP’ ng bansa

Hindi nakatapos ng kolehiyo pero dating heneral ng mga katipunerong lumaban sa mga Kastila ang unang vice president (VP) ng bansa sa katauhan ni Mariano Trias.

Pinili ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo, kinikilalang unang presidente ng bansa si Trias bilang kanyang bise presidente sa dalawang pagkakataon.

Una sa asembliya sa Tejeros noong Marso 1897 at ikalawa sa reorganisasyon ng rebolusyunaryong pamahalaan sa Biyak-na-bato sa Bulacan noong Nobyembre 1897.

Mula sa Cavite kung saan isinilang si Trias, pinaluwas siya sa Maynila ng kanyang magulang para mag-aral sa San Juan de Letran sa kursong Bachelor of Arts. Ngunit hindi nya ito ipinagpatuloy at lumipat sa University of Sto Tomas para kumuha naman ng kursong Medicine.

Ngunit hindi nya rin ito tinapos at bumalik siya sa Cavite para tulungan ang kanyang magulang sa pagpapatakbo ng kanilang sakahan hanggang mapasabak na sa pakikidigma sa mga Kastila.

Marso 1901 nang sumuko si Trias sa pwersa ng Amerika at nahirang bilang unang Filipino na naging gobernador ng lalawigan ng Cavite.

Namatay sa sakit sa Philippine General Hospital si Trias noong Enero 1914. Bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa Cavite, ipinangalan sa kanya ang bayan ng San Francisco de Malabon (Mariano Trias, Cavite) kung saan siya isinilang.

GMANews.TV

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: