“Wowowee” scraps ‘Wilyonaryo,’ Willie Revillame regaining health

Umaani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga manonood ang bagong game portion sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee, ang “MerryGalo.” Pinalitan nito ang kontrobersiyal na “Wilyonaryo” portion. Ipinaliwanag ng host ng Wowowee na si Willie Revillame sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit nila naisipang alisin ang game portion na “Wilyonaryo” sa kanyang programa.

“Una sa lahat, para hindi na natin pag-usapan at mawala na sa isip ng tao na nagkaroon ng problema. So, para mawala na ang mga haka-haka kaya nagdesisyon na kami na talagang dapat palitan na. Siyempre, para wala na siyang maging problema. Wala nang maging espekulasyon, wala nang kuwestiyon… Para ang tao matigil na rin sa kakaisip,” bungad ni Willie kahapon, October 12, sa dressing room ng Wowowee.

Masaya naman si Willie dahil unti-unti na raw nakakabawi sa ratings ang Wowowee.

“Bigla, e, ‘no?” sabi niya. “Hindi, babalik naman… Alam mo ang Wowowee, kaparte na ng buhay ng bawat Pilipino ‘yan. E, siyempre, may mga changes. Hindi naman pupuwedeng lagi na lang ganun ang games. So, marami kaming games na nakapondo ngayon saka mas easier. Tapos dadagdagan pa ‘yan. ‘Yung ‘Willie of Fortune,’ mas ie-enhance ‘yan. Sa jackpot noon, iibahin, mas malaki ang papremyo.”

WOWOWEE vs EAT BULAGA. Ano naman ang masasabi niya sa kumpetisyon sa pagitan ng Wowowee at Eat Bulaga! na uminit nang husto dahil sa “Wilyonaryo” controversy?

“Well, ako naman, no competition,” sagot niya. “Basta ang importante yung show pagandahin. Mag-enjoy ang tao. Magtiwala sa amin at the same time. Yung programa na ito para sa kanila. Hindi ako ang bida rito, sila. Kaya we make it a point every time na lumalabas ako, nasa kanila palagi ang importansiya, like sa ‘Willie of Fortune.’

“Una sa lahat, hindi talaga para gawin mong bida ang sarili mo dito. Saka kung mapapansin ninyo, pare-pareho na nga kami ng ginagawa. Alam mo kapag kinokopya ka e, di mabuti. Maganda ang programa mo,” may halong pasaring na sabi ni Willie.

“Okay lang. Kung makakatulong ba sa ibang show, kung makakapagbigay-saya rin… Kasi dalawa lang naman kaming noontime shows, pero ang dami naming natutulungan. Hindi lang ang Wowowee ang nakakatulong, sila [Eat Bulaga!] rin. Ako, alam mo sa mga nangyayari ngayon, hindi na para makipag-away pa.

“Well, una, wala akong competition in life,” patuloy niya. “Ang lagi kong sinasabi sa aming staff, ‘Do your best sa bawat show natin.’ Kasi hindi mo alam mamaya yung mga nagti-taping, hindi mo alam last taping na pala. Yung ibang show ina-announce, this is our last show. You know, dapat in every show, the best ang ibigay mo.”

TABASCO TABOO. Ayon kay Willie, buhay na raw niya ang pagiging television host.

“Alam mo kanina… Sa totoo lang, buhay ko na ‘to, e, galing ako sa ospital. Dapat three to four days ako. Ang sabi ko sa doktor, hindi po puwedeng iwanan ang show. Sabi ko, ‘Kung ako ba’y grabe lalabas ba ako?’

“‘Hindi naman but you have few medications. Kailangan mo ‘yan, e. Kasi konti na lang butas ‘yan [bituka]. Bubuksan ka namin,’ sabi nila.

“Kasi yung small intestine ko, ayaw mag-function. Meron siyang sugat. Yung sakit ko, apat. My esophagus going to stomach, hindi masyadong bumubuka kapag kumakain ako. Pagod na, e. Yung small intestine may konting sugat. Konti pa mas nalalason ang loob. Kasi yung small intestine natin pala, like ako… Di ba, may butas? Papasukin ‘yan ng mga toxic sa loob. Yun yung mga kinakain nating marumi. Kapag napasok yung small intestine doon mo mararamdaman ‘yung pain. Very ano ‘yon, very dangerous ‘yon. So, in-explain nila.

“‘Tapos yung heart ko, nagulat din ako. Ang dapat na heart rate ng tao sixty up. Fifty ako, e, mababa. Well, yung athlete pala, fifty rin. Ang bina-base nila sa ginagawa ko sa show. Normal naman ang findings sa akin sa ngayon. Kaya lang merong time na medyo-meydo yung heart mo bumabagal, bumabalik. Sabi niya, ‘that’s natural.’

“Ngayon, tuwing umaga bago ako kumain, gamot agad. Apat na gamot ‘yon. After kumain, gamot na naman. Dadaan ako sa St. Luke’s, meron akong treadmill para ma-check-up nila ‘yon every morning ng MWF.

“Nagbago na ang pagkain ko… ‘Tsaka pala yung spicy food, no way na ako doon. Tabasco, sili, wala na kasi susugatan talaga yung intestine mo. Ang lakas daw ng effect noon sa intestine ko,” kuwento ni Willie tungkol sa kanyang kalusugan.

Ano raw ang sanhi ng kanyang sakit?

“Stress,” sagot niya. “Lahat, ‘yan ang sakit ng showbiz. Nagpapalipas ng gutom.

WILLIE’S DAY. “Ang buhay ko ganito: sa bahay muna, gigising ako ng six [in the morning] or five-thirty. Nanonood ako ng news, nagbabasa ako ng diyaryo. Tapos coffeee lang ako. Pupunta ako ng nine o’clock [sa studio], ire-rehearse ko lahat. Opening, huh. Hindi ako kumakain. Ang lunch ko, alas- kuwatro na. Hindi na rin ako nagdi-dinner.”

Pati sex life daw ba naapektuhan ng kanyang karamdaman?

“Sino ang ka-sex ko?” nakangiting tanong ni Willie.

“Natatakot na ako!” tawa niya. “Mamaya may harassment na naman ako! ‘Tsaka hindi, sa sobrang pagod din ‘yon. Kapag busy ka talaga, may mga lalaki na hindi na naiisip ‘yon.

“Alam mo ang buhay ko, nandito ako [sa studio] ng nine o’ clock, nag-aayos ako, nag-rehearse. Umuuwi ako after ng eight o’ clock. Pagdating ko ng bahay, magsa-shower ako. Pagdating ng nine o’ clock or nine-thirty, tulog ako. Kasi gigising naman ako ng five-thirty or six in the morning. Ganun ang routine ko. Nakikita mo ba ako na nag-night life? Nakita mo ba ako na nonood kahit saan?”

Dapat daw ay hanggang Lunes pa si Willie sa St. Luke’s Hospital. Pero dahil nagkasakit din ang pansamantalang pumalit sa kanya na si John Lloyd Cruz, kinailangan ni Willie na lumabas agad ng ospital.

“Nandito [dressing room ng Wowowee] ako, nanood ako ng TV Patrol, dumumi ako, may blood! Tuesday night ‘yon,” kuwento ni Willie.

“Pero bago ‘yon, lagi akong nagsusuka every morning. Kapag nagsha-shower ako, naduduwal ako. Yun pala yung acid ko, bumabalik.

“Nung gabi, pumunta na ako ng ospital, eleven o’ clock pa lang. May pain tapos may dugo na yung ano ko. May sugat na kasi. Buti na lang naagapan. Sabi ng doktor, kaya pa sa gamot ‘yan.

“Pero kanina sabi niya, ‘Ah, okay ka na. Normal ka na.’ Kasi tiningan nila pati pag-stretch-stretch ko. Normal naman. Tuluy-tuloy ang checkup hanggang October 25. Between today hanggang kapag may pain at dumugo pa, e, bubuksan nila ako,” sabi niya.

LONELY IS THE NIGHT. Masasabi ba niya na alone siya ngayon, but not lonely?

“I will never be lonely in my life because my life is lonely. If you’re lonely, hindi ka na magiging malungkot because you’re lonely na,” sagot niya.

Natanggap na ba niya that he will live a lonely life?

“Ay, yung lonely life ko, yung gabi lang. But the daily life is happiness kasi fulfillment, e. Kamukha niyan, pag labas mo pa lang sisigaw ka na ng ‘Handa na ba kayo?’ Happiness mo na ‘yon. Sobrang blessed ako ng Panginoon. Tingnan mo naman ang mga pinagdaanan ko, di ba? Yung harassment, stampede, ‘etong kaso ko sa asawa ko [Liz Almoro]. Nag-amicable na kami niyan, ha,” banggit pa niya.

FEUD WITH JOEY. Samantala, sinabi ni Joey de Leon na makikipagbati lang siya kay Willie kapag nagbigay siya ng kotse sa beteranong komedyante. Ano ang masasabi ni Willie dito?

“E, nagbibiro lang naman ‘yon. Hindi naman niya kailangan ng kotse. Mayaman ‘yon. Mas mayaman ‘yon sa akin,” maikling sagot niya.

Willing ba naman siyang magbigay?

“E, di ibibigay ko na lang sa anak ko. Pamilya muna.”

FAMILY LIFE. Speaking of anak, kailan bibinyagan ang kanyang unang apo kay Meryll Soriano na si Elijah Palanca?

“Hindi ko pa alam. Nagte-text lang kami. Baka dalawin ko bukas yung bata. Hindi ako nadalaw ni Meryll sa ospital kasi hindi niya alam, nagpahinga talaga ako. Lahat ng staff hindi ko rin pinapunta kasi groggy ako.”

Sabi ni Bernard Palanca, ang estranged husband ni Meryll, this time daw ay siya na ang gagastos sa binyag ng kanilang anak na si Elijah. Si Willie kasi ang umako ng hospital bill ni Meryll nang manganak ito.

“E, di mabuti naman. Anak naman niya ‘yon, e. Dapat naman siguro,” sabi ni Willie.

Nakatira raw ngayon si Meryll sa kanyang inang si Bec-Bec Soriano.

“Wala siyang trabaho. Nag-text siya, ‘Pa, kailangan ko ng ganito.’ Siyempre hindi naman basta-batsa lang na pera.na ano, alam mo ang bata. E, lahat naman ng investments ko, sa mga anak ko rin.

“Actually, magpapagawa ako ng testamento na sa mga anak ko hati saka yung mga taong pinagkatiwalaan ko, kunyari, katulong ko. Tapos kunyari bibigyan ko ng pambuhay nila. Sila yung mga taong nagsilbi sa ‘yo. Kasi nakita ko, e… Hindi ko ipagdadamot ‘yon.

“Kung suwertihin ako next year, meron akong dalawa o tatlong milyon, sa mga batang less fortunate na walang pang-aral, ibibigay ko doon,” pagtatapos ni Willie.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: