KIMERALD, galit kay Snooky?

How true itong nabalita-an namin na maraming fans nina Gerald Anderson at Kim Chiu ang galit na galit ngayon kay Snooky Serna? Ito ay dahil sa sinabi umano ng kontrobersyal na aktres sa show ni Mo Twis-ter na si Gerald ang pina-kaplastik na artista at hambog na aktor pa.

Talagang may ganoon?

Eh, siyempre, nag-react naman agad ang fans partikular na ni Gerald at super ipinagtanggol ang idolo nila, noh!

Maging si Gerald ay sinabing hindi niya alam kung bakit nakapagsalita si Snooky ng ganoon laban sa kanya. Hindi naman daw siya lubusan na kila-la ng aktres.

Nu’ng tinanong namin si Gerald sa presscon ng Love Spell, sinabi ng mestisong binata na wala si-yang ginagawang masa-ma kay Snooky. Then again, nag-sorry pa rin si Gerald kay Snooky.

Aniya, kung may nagawa raw siya na hindi ikinatuwa ni Snooky o para sabihin na plastic siya ay humihingi siya (Gerald) ng pasensya.

Halatang nalungkot si Gerald sa isyung ito. Hin-di niya siguro akalain na ang isang batang aktor na tulad niya ay papatulan ni Snooky!

Maging kami ay nagulat din nu’ng marinig ang balitang ito. Isipin n’yo, ang isang matatawag na ngang beterana kumpara kina Gerald at Kim ay pumatol pa sa bagets para lang mapansin?

The haaayyytt!

Mabuti na lang at hindi matalak si Gerald. Kahit laking Amerika ay hindi si-ya ang tipong nang-ookray lalo na ‘pag na-sa katwiran. Pinapairal pa rin ng binata ang mabuting asal at paggalang sa mata-tanda.

Nakawiwindang si Snooky. Kung anu-ano na lang ang pi-naggagagawa para lang ma-pag-usapan, huh?

Gusto niyang kumuha ng simpatya at the expense of others.

Panoorin na lang kaya ni Snooky ang Love Spell sa Sunday, baka siya pa ang maging fairy god-ninang ni Gerald.

Ganoon?

CHAN-CHAN TORRES
Journal Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: