Ara Mina: “I don’t feel I’m kapuso”

Pakiramdam ni Ara Mina ay parang naitsa-puwera siya dahil sa presence nina Manny at Jinkee Pacquiao sa GMA 7.

“I don’t feel I’m Kapuso,” sambit ni Ara.

Ang dami raw nagtawagan sa kanya kung pupunta ba siya sa victory party kay Pacquiao, dahil leading lady siya sa pelikula nitong pang-MMFF, pero wala raw nag-imbita sa kanya.

Kinukulit siya ng mga showbiz-oriented talk show para interbyuhin tungkol sa pagdating ni Pacquiao, ngunit ayaw niyang magsalita dahil lagi na lang daw siya ang nagsasalita tungkol sa matagal nang isyung iyun.

“Si Pacquiao na lang ang magsalita, ‘no?! Lagi na lang ako ang iniipit sa mga interview. Lagi na lang ako ang nagsasalita, tapos, tahimik lang siya. Dapat siya na ang magsalita dahil hindi naman talaga totoo,” dagdag ni Ara.

“Alam mo, nasasaktan na talaga ako, dahil parang naniniwala sila lahat. Hindi naman ako magkakaganito kung totoo ang isyu, eh hindi naman eh,” humihikbing pahayag ng aktres.

Ang naramdaman lang daw ni Ara, kahit ang GMA 7 ay parang iniiwas siya sa mag-asawang Pacquiao na parang naniniwala pa sa isyu.

“Di ba dapat, pagharapin na kami para malinaw kung totoo ba talaga?” himutok ni Ara.

Sa ngayon ay tahimik na lang si Ara at ayaw na niyang magsalita, dahil tingin niya, wala namang kakampi o maniniwala sa kanya.

Bahala na raw kung itutuloy pa niya ang pelikula niya kay Pacquiao.

ABU TILAMZIK
Abante Tonite

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: