GMA, hindi na media partner ng concert nina Pops at Martin

Hindi na pala ang GMA 7 ang media partner ng Missing You concert nina Martin Nievera at Pops Fernandez dahil hindi raw pumayag ang ABS-CBN.

Ang narinig namin, medyo na-offend ang mga taga-Dos sa magagandang pahayag ni Jomari para sa GMA 7.

Since talent ng Kapa­milya network sina Martin at Jomari, hindi na nila ito pinayagang makipag-media partner sa Kapuso network.

Naudlot tuloy ang ma­gandang promo na ini­handa ng GMA 7 para sa naturang concert.

ABU TILAMZIK
Abante Tonite

Leave a Comment